Connect with us

Iloilo News

Sirang air break switch, rason bakit naantala ang pagbalik ng kuryente – MORE Power

Published

on

Inanunsyo ng MORE Electric and Power Corporation na maibabalik sana sa isang oras ang kuryente sa mga konsyumer, matapos ang corrective at preventive maintenance na sinagawa sa Mandurriao substation kahapon, Oktubre 11.

Subalit, napag-alaman ng Network Operations team ng MORE Power na mayroong sira at marupok na Air Break Switch sa 69kv sub-transmission line sa Barangay Baldoza, Lapaz.

Ang naturang linya ang dinadaanan ng kuryente na mula sa power plant ng Panay Energy Development Corp at Panay Power Corporation sa Barangay Ingore. Lapaz papunta sa substation ng MORE Power sa Barangay Bolilao, Mandurriao.

Sa pagsisiyasat ng mga engineers ng MORE Power, nalaman na sira, may mga kalawang at hindi na naka-align ang “blade” or “contact arm” ng Air Break Switch, rason kung bakit hindi naibalik ang linya, indikasyon na hindi ito na maintain sa tamang paraan.

Hindi na rin ito maaayos pa, kaya’t minabuti na lamang ng MORE Power na gawin ang “bypass” connections sa tatlong linya para makadaan ang kuryente. Umabot naman ito sa 1 oras at 30 minuto.

Dahil sa nangyaring insidente, magsasagawa ng thermal scanning ang MORE Power at evaluation sa lahat na mga disconnect switch sa buong lungsod sa posibilidad na marami pa ang mga luma at marupok na Aid Break Switch na maaaring masira at magreresulta sa mas matagal na power interruptions kung hindi agad mapalitan ng bago.

Natapos naman ng MORE Power ang maintenance activities sa 5 substations sa Jaro, Lapaz, City Proper, Molo at Mandurriao.

Isinasagawa ito para siguraduhin ang husay ng mga kagamitan sa pagdeliver ng dekalidad na kuryente sa mga konsyumer.