Connect with us

Iloilo News

Transport group sa Iloilo City, walang natanggap na ayuda mula sa gobyerno simula ng MECQ

Published

on

Image: PNA

Walang natanggap na ayuda ang mga transport group sa lungsod ng Iloilo mula sa gobyerno simulang ipatupad ang Modified Enhanced Community Quarantine.

Ito ang inihayag ni Iloilo City Loop Alliance of Jeepney Operators and Drivers’ Association (ICLAJODA) President Raymundo Parcon.

Ayon kay Parcon, hiling ng kanilang grupo na hindi na sana palawigin pa ang MECQ status sa lungsod para makabalik na sa normal ang kanilang pagbiyahe.

Pero sakali naman daw na ma-extend pa, wala na umano silang magagawa pa dahil para naman ito sa kaligtasan ng lahat.

Una namang sinabi ni Parcon na nais na umano ng ibang drivers na tumigil na sa pagbiyahe dahil sa maliit nitong kita.

Ipinaliwanag naman niya sa mga drivers na maaari silang makasuhan at posibleng bawiin ang prangkisa ng LTFRB kapag titigil sa pagbiyahe.

(With reports from Aksyon Radyo Iloilo)

Continue Reading