Connect with us

Iloilo News

TRAVEL REQUIREMENTS, KAILANGAN PA RING ISUMITE NG MGA LSIs BAGO SILA TANGGAPIN NG LGUs — RIATF6

Published

on

Kailangan pa ring magsumite ng travel requirements ang mga Locally Stranded Individuals (LSIs) bago pa sila tanggapin ng kanilang local government units (LGUs).

Batay ito sa inilabas na Joint Resolution Number 3 ng Regional Inter Agency Task Force 6 Regional Task Force. 

Nakasaad sa resolution na  ‘status quo’ lang muna  ang mga requirements sa pagbyahe ng mga LSIs habang hindi pa pinal ang bagong system na gagamitin na StaySafe.ph at S-Pass.  

Ang mga nasabing requirements ay travel authority, medical certificate, at Certificate of Acceptance mula sa mga LGU na kanilang uuwian.  

Nabatid na nagpalabas ang  IATF ng Resolution Number 101, na kung saan nakasaad na hindi kailangan na ang travel authority at medical certificate sa pagbyahe.