Iloilo News
TREÑAS, NAGPADALA NG TAO SA STO. NIÑO SUR, AREVALO PARA SA 3 ARAW NA EXTREME COMMUNITY QUARANTINE
Nagpadala ng mga tao si Mayor Jerry Treñas sa Sto. Niño Sur, Arevalo para asikasuhin ang mga pangangailangan ng mga residente habang naka Extreme Enhanced Community Quarantine sa loob ng 3 araw.
Hindi makalabas ng barangay ang mga residente matapos isailalim sa extreme ECQ dahil sa 6 na kaso ng COVID-19 na naitala sa lugar.
Nakarating sa alkalde ang problema na walang naglilista at nangangasiwa sa mga pangangailangan ng mga residente gaya ng gamot.
Ang mga barangay officials at barangay health workers na siyang inatasang maglista ay hindi makalabas ng bahay dahil naka-quarantine ang mga ito at hindi pa lumalabas ang resulta ng kanilang test.
Nawagan ang mga residente na bilisan ang pagdala ng pagkain dahil karamihan sa kanila ay hindi nakapaghanda sa lockdown.
Ang Sto. Niño Sur ay may 2, 015 households ayon kay Barangay Kagawad Joemarie Millano.
Bukas magtatapos ang tatlong araw na lockdown sa barangay na nagsimula noong Mayo 6.