Connect with us

Iloilo News

UPDATE | 4 NA KALALAKIHAN, NAHULING NAGBEBENTA AT NAGKABIT NG NINAKAWANG KUNTADOR NA PAGMAMAY-ARI NG MORE POWER ILOILO

Published

on

INARESTO ang 4 apat na kalalakihan ng mga security personnel ng MORE Power sa isinagawang entrapment operation, matapos mahuling nagbebenta at nagkabit ang mga ito ng ninakawang kuntador sa Brgy San Isidro, Jaro kaninang 1:00 ng hapon, Marso 17.

Ang mga nahuli ay sina Elmar Tupas, 29 anyos, Rusky Mike Assunsion Robles, 29, ng Brgy.  Habog2, Molo. Roy Redoble Reazol, 22 anyos at Randy Ozzeño, 40 ng Brgy. Lanit,  Jaro. 

Batay sa impormasyon, nakipagtransaksyon sila sa isang konsumidor na lumapit naman sa MORE Power dahil nagdududa umano ito kay Tupas.

Ayon sa konsumidor, siningil siya ng ₱12,000 para sa pagkabit ng kuntador na wala namang papeles na isinumite sa MORE Power.

Napagalamang ang dala-dala nilang metro ang naka-kabit sa original owner na taga Alta Tierra Subdivision sa Jaro. Tinanggal umano nila ito at dinala sa isang bahay sa Calumpang. Subalit walang pambayad ang kliyente roon kaya’t dinala nila ito sa taga Brgy San Isidro, Jaro. 

Inamin naman ni Tupas na mali ang kanilang ginawa. Ayon sa kanya, apat na kuntador ng MORE Power ang kanilang ninakaw. Ngunit hindi daw niya alam kung saan ito inilagay ng kanyang kasamahan. 

Si Elmar Tupas ay dating meter installer ng dating distribution company sa lungsod ng Iloilo, siya rin ang leader sa kanilang grupo.  

Kasalukuyang nasa kustodiya na na ng Jaro PNP station ang 4 na lalaki at mahaharap ang mga ito sa kaukulang kaso.