Iloilo News
“WALA SUGA DAW KUWEBA”; DATING MADILIM NA LUGAR NG ATI COMMUNITY, NGAYON INILAWAN NA, SA TULONG NG I-KONEK NG MORE POWER
LAKING KASIYAHAN ng mga miyembro ng ati community na nakatira sa relocation site sa barangay Lanit, Jaro matapos na malagyan ng kuntador at linya ng kuryente ang bawat kabahayahan sa ilalim ng programang i-konek ng MORE Power.
Kwento ni Ferminia Valencia miyembro ng Ati community, nagbabayad sila noon ng dalawang libo para malagyan ng linya ng kuryente. Pero ngayon dalawang pesos kada buwan na lang ang kanilang binabayaran.
Paglalarawan pa ni Valencia sa kanilang bahay noon para silang nakatira sa kuweba.
“Baw maayu gid kay sang una ang balay namon nga wala suga daw kuweba, sa kagin-ot, diri kami gabalatang kis-a sa karsada kun mahangin kay pwerti gid ka gin-ot.”
“Pero subong kay may kuryente na baw gapasalamat gid kami sang daku kay masanag na mabugnaw pa day gapa-aircon-aircon ka pa,” wika ni Valencia.
Pagtatanim at pagbebenta ng mga gulay at mga gamot ang hanap buhay ng mga ati. Kaya’t para sa kanila masyadong mahal na ang magbayad sa sub-meter ng kuryente.
Sa pagsusumikap ng kanilang tribe leader at pastor sa kanilang komunidad, pinuntahan ng mga personnel ng MORE Power ang kanilang lugar at sinumulan ang pagproseso ng mga dokumento.
Ayon kay Pastor Rogelio Elosendo, hindi umano lubos akalain ng mga ati na magkakaroon sila ng linya ng kuryente dahil matagal na silang nag-aasikaso para sa operasyon nito.
“Ang mga ati wala gid naga expectar nga matabu nga makalinya sila bangud kadugay na sang tinion nga maasikaso namon nga mapa-linyahan sila te subong ara na ang linya sang kuryente.”
“Daku gid ang ila nga kalipay bangud nga indi na sila madulom kun gab-i, makapasiga na sila sang ila nga suga, kun may electric fan maka-electric fan sila para nga ang mga bata nga iban indi na magin-utan, indi na ma-initan,” pahayag ng kanilang tribe leader.
Dagdag pa ng pastor, isang linya lang noon ang kanilang ginagamit at saka china-charge ang mga electric fan.
Aniya, malaking tulong ang MORE Power sa kanilang komunidad.
“So daku gid ang nabulig sang more salamat gid sa inyu sang daku kay pinaagi sa inyu pagpanikasog, waay na kami nagkadto didto waay na nalisdan ang mga atis, kay kamu na ang nagkadto diri para ma-proseso ang papeles sang mga ati para nga mapadali nga maaprubahan ang pagpatakud sang koryente diri kag nagakalipay gid kami sang daku bangud sina.”
Tumulo pa ang luha ni pastor Elosendo dahil sa kasiyahan na maiilawan na ang bawat bahay sa ati community sa tulong ng MORE POWER.
Nasa 24 kabahayan ng mga ati ang nalagyan ng sariling kuntador at sa ngayon ay nag-e-enjoy na ang mga ito sa paggamit ng kuryente.
Karamihan sa kanila ay halos sentimos lang ang babayaran dahil sa mababa nitong konsumo na pasok sa pagiging lifeline consumers.