Iloilo News
Walang Christmas Party ngayong taon sa Iloilo Provincial Capitol – Gov. Defensor
HINDI TULOY ang Christmas party sa Iloilo Provincial Capitol ngayong taon dahil sa pandemya.
Ayon kay Governor Toto Defensor, ipagliliban muna ang pagsagawa ng christmas party para masunod ang social distancing habang may banta pa ng COVID-19.
Maging ang mga Christmas lights sa capitol ground ay magiging limitado na lang kumpara nakaraang taon para maiwasan ang pagkumpol-kumpol ng mga tao.
Pinaalalahanan din ng gobernador ang lahat ng alkalde sa probinsiya ng Iloilo na ipagpaliban muna ang pagsagawa ng festival of lights.
Continue Reading