Connect with us

Iloilo News

WVSUMC, MAGPAPATAYO NG SARILING OXYGEN GENERATING PLANT

Published

on

MAGPAPATAYO NG SARILING OXYGEN GENERATING PLANT

ILOILO CITY – Magpapatayo ng sariling oxygen generating plant ang West Visayas State University Medical Center (WVSUMC) o Don Benito Hospital.

Ayon kay Dr. Diosdado Amargo, spokesperson lng WVSUMC, ito ay para magiging independent ang ospital na hindi na nila kailangang pang maghanap ng supplier.

Ayon pa kay Amargo, kaparte rin ito ng kanilang preparasyon sa gitna ng pinangangambahang shortage ng medical oxygen sa mga ospital sa Western Visayas habang tumataas ang kaso ng COVID-19.

Pero, ipinahayag nito na sa ngayon, bastante pa ang supply ng oxygen tanks para sa buong taon 2021.

Dagdag pa niya, sa isang araw, 15 na oxygen tanks lang ang kanilang nagagamit habang sa liquid oxygen, 380 cubic meters naman ang kanilang nauubos kada araw.