Connect with us

International News

11 patay, 8 nawawala sa landslide na dala ng malakas na pag-ulan sa Nepal

Published

on

This is for illustration purposes only.

Nagdulot ng pagguho ng lupa at baha ang malakas na pag-ulan sa Nepal na kumitil sa buhay ng 11 indibidwal.

Walo pa ang nawawala na posibleng inanod ng baha o natabunan ng landslides habang 12 naman ang sugatan at ginagamot sa ospital batay sa kapulisan.

Sa Southern Nepal, ang Koshi River ay halos taun-taong binabaha na umaabot sa danger level batay sa isang district official.

Nasa 50 katao na ang namatay sa Nepal dahil sa landslides, baha at kidlat nang magsimula ang pag-ulan sa buwan ng Hunyo.

Daan-daang katao ang namamatay sa mga bulubunduking bahagi ng Nepal taun-taon dahil sa pagpasok ng monsoon season na karaniwang nagsisimula sa Hunyo hanggang Setyembre. (with reports from Reuters)

Continue Reading