Connect with us

International News

116 patay sa stampede sa isang religious event sa India

Published

on

Patay ang 116 katao kasama ang maraming kababaihan at kabataan dahil sa stampede sa isang religious event sa India nitong Martes.

Nangyari ang stampede sa Hathras district sa Uttar Pradesh na may 200 kilometro ang layo sa New Delhi.

Nagsimula ang trahedya matapos magtulakan ang mga debto sa may stage para mahawakan ang kanilang preacher na pababa na.

Hindi pa malinaw ang talagang dahilan pero batay kay Hathras district administrator Ashish Kumar, posibleng dahil sa overcrowding nang paalis na sa lugar ang mga dumalo.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya para matukoy kung sino ang responsable sa insidente.