International News
12 estudyante sa daycare, nakainom ng ini-serve na floor sealant na napagkamalang gatas


Nakainom ng floor sealant ang 12 estudyante at dalawa pang indibidwal sa day care summer program sa Sitʼ Eeti Shaanáx̱-Glacier Valley Elementary school sa Alaska.
Nag-aagahan umano ang mga bata edad 5-12 nang makaramdam ang ilan sa kanila ng pagkapaso ng bunganga at lalamunan. Isang bata naman ang kumpirmadong dinala sa ospital upang ipagamot.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, lahat ng mga food items, kabilang na ang mga gatas na nakalagay sa dispenser, ay nanggagaling sa kanilang contractor.
Ang gatas na dapat iseserve ay nakalagay sa isang malaking plastic bag at nakasilid sa karton. Isinasalin ito sa mga dispenser ngunit sa halip na gatas ang maisalin ay floor sealant umano ang nadampot ng staff.
Ayon kay Superintendent Bridget Weiss ng Juneau, sa hindi pa nalalamang dahilan, ang mga karton na naglalaman ng sealant ay naitago “or moved on the same pallet as large pouches of milk that were also in cardboard boxes.”
“We don’t know how that happened, but they were all put on the same pallet,” aniya. “That pallet was delivered, and the assumption was that it was milk because that’s what we thought was being delivered.”
Wala umanong matapang na amoy kemikal ang sealant, ngunit alinsunod sa school standards lahat ng mga kemikal na gagamitin sa paaralan ay dapat na may “low ingestion risk”.
“That was true of the sealant, so our students are doing fine,” Ani Weiss.
May mangilang-ngilang estdyante ang nakararanas pa rin ng upset stomach ngunit karamihan ay bumubuti na ang pakiramdam.
Pinangungunahan ng Juneau police ang pag-i-imbestiga kung paano nangyari ang kalituhan, “not really because we believe there’s anything criminal or mal-intent at this point, but we do want a thorough investigation of what happened, how it happened, and they’re trained investigators,” paglilinaw ni Weiss.