Connect with us

International News

14-anyos na dalaginding, patay nang madiskaril ang sinasakyan nitong rollercoaster

Published

on

Larawan mula sa insidethemagic.net

Nasawi ang isang 14 taong gulang na dalagita ng madiskaril ang bahagi ng sinasakyan nitong rollercoaster sa bansang Denmark.

Naganap ang insidente tanghali nitong nakaraang Huwebes lamang sa Tivoli Friheden park na kilala bilang  pangalawa sa pinakamalaking amusement park sa bansa.

Agad na rumesponde ang East Jutland Police nang matanggap ang tawag hinggil sa aksidente kung saan nadatnan din nila ang ilan pang sakay na na-trap sa taas ng nasabing ng ride na kilala sa tawag na Cobra.

Ayon sa salaysay ng tagapamahala ng amusement park na si Henrik Olsen, nahiwalay sa rollercoaster ang dalawang upuan sa pinakadulo ng naturang ride.

Saad naman ng isang saksi, “A mother stood by the Cobra and looked up while she exclaimed several times ‘my children, my children’.”

Napag-alaman ding isang 13 taong gulang na lalaki ang nagtamo ng pinsala sa kamay nito dahil sa aksidente.

Samantala, narito ang opisyal na pahayag ng amusement park na inilabas nila sa kanilang FB page:

“Our heartfelt thoughts are with the girl and the girl’s relatives, family and friends. Our thoughts are also with the boy, our staff and the many visitors at the park earlier today.

“We are cooperating with East Jutland Police and are now awaiting the technical investigations regarding the accident.

“A hotline has been established if you have been to Tivoli Friheden and need professional crisis help or are relatives on telephone.”

Inalalayan din ng amusement park ang pamilya ng mga biktima maging ang mga nakasaksi sa insidente na makatanggap ng psychological assistance.

Patuloy pa ring inaalam ang dahilan ng pagkakadiskaril ng rollercoaster at humingi na rin ng technical assistance mula sa mga eksperto upang matukoy ang sanhi ng aksidente.

Continue Reading