Connect with us

International News

15 patay sa matinding ulan at pagbaha sa China

Published

on

(Photo : Photo by Macau Photo Agency on Unsplash)

Nasa 15 indibidwal na ang nasawi habang tatlo pa ang nawawala dulot ng matinding ulan at pagbaha sa probinsya ng Shanxi sa China.

Libu-libong bahay ang nawasak at 120,000 katao ang napilitan na lumikas sa mas ligtas na lugar ayon sa mga opisyal.

Naranasan ng probinsya ang matinding pagbaha nitong buwan ayon kay meteorological official Wang Wenyi sa isang news conference nitong Martes.

Apektado ngayon ang 1.75 milyong katao sa pagbaha na nagdulot ng pagkasira ng 18,200 na mga kabahayan ayon naman kay local emergency management official Wang Qirui.

Ayon pa kay Wang Qirui, ang matainding pag-ulan at pagbaha ay nagdulot ng mahigit 5 bilyong Chinese yuan ($775 million) na economic loss sa probinsya.

Ang Shanxi kasi ang pinakamalaking coal mining hub na nagbibigay ng malaking bahagi ng coal production sa China.

Dahil sa baha, napilitang magsarado ang 60 coal mines sa Shanxi.

Hindi ito ang unang beses na naranasan ang matinding pagbaha sa China ngayong taon.

Nitong Hulyo, mahigit 300 indibidwal ang namatay sa Central China, Zhengzhou at provincial capital ng Henan province.