International News
16 parachute jumpers, patay sa bumagsak na Russian plane
Patay ang 16 na parachute jumpers habang anim pa ang nasa malubhang kondisyon makaraang bumagsak ang eroplanong sinasakyan nila sa Russian region ng Tatarstan nitong Linggo.
Ayon sa Health Ministry, sakay ng aircraft ang 20 parachutist at dalawang crew members.
“Six people were rescued, 16 were taken out without signs of life,” saad nito.
Nagkaroon ng engine failure sa eroplano kung saan kinailangan nilang mag-emergency landing malapit sa Menzelinsk City ng Russia.
Sa kasamaang-palad, tumama naman ang aircraft wing nito sa isang gazzele vehicle dahilan para mawasak at masira ang gitna at unahang bahagi ng eroplano.
Inaalam pa ng mga otoridad ang dahilan ng pagbagsak ng aircraft.
Naghigpit na ng standards ang Russian aviation sa mga nakalipas na panahon pero marami pa rin ang nangyaring aksidente lalo na sa mga “remote areas”.
Noon lamang Hulyo, nag-crash din ang Antonov twin-engine turboprop kung saan 28 pasahero ang namatay.