Connect with us

International News

2 bata patay, 11 iba pa sugatan sa pananaksak sa isang dance class sa England

Published

on

Nagsitakbuhang duguan ang mga batang kasama sa isang Taylor Swift themed dance class sa England matapos pagsasaksakin ng isang lalaki nitong Lunes sa England.

Dalawa ang naitalang patay habang sugatan naman ang 9 na iba pa kung saan anim sa kanila ang nasa kritikal na kondisyon batay sa mga otoridad.

Kasama sa mga malubhang nasugatan ang dalawang adult na nagprotekta sa mga bata.

Naaresto naman kaagad ang 17- anyos na suspek sa krimen pero hindi pa malinaw ang motibo nito.

Kaugnay nito, nagpahayag naman ng pakikiramay ang American singer-songwriter na si Taylor Swift sa mga pamilya ng biktima.