Connect with us

International News

2 FILIPINO SEAFARERS NA NA-RESCUE SA LUMUBOG NA CARGO SHIP SA JAPAN, NASA MAAYOS NA KONDISYON

Published

on

Nasa maayos na kondisyon ang dalawang Filipino seafarers na na-rescue sa lumubog na cargo ship sa karagatan ng Japan at inaasahang malapit ng makauwi sa Pilipinas.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, inaayos na ng gobyerno ang pagbyahe ng dalawang survivors na nagpapagaling ngayon sa isang ospiral sa Japan.

Pansamatala naman na hinold ang search and rescue operations sa iba pang missing crew sa Panamian-registered Gulf Livestock 1 dahil sa sama ng panahon dahil sa bagyo.

Ipinasiguro ni Bello na babalik ang search and rescue operations kapag umayos na ang panahon.

Sakay ng nasabing barko ang 43 na mga crew members at mahigit 5,800 na mga baka nang mangyari ang trahedya noong nakaraang linggo dahil sa Typhoon Maysak.

Iniulat naman ng Philippine Consulate sa Osaka na 39 sa mga crew members ay mga Pinoy, 2 New Zealanders, 1 Singaporean at 1 Australian.