Connect with us

International News

2 may edad na COVID-19 patients sa SoKor, gumaling sa ‘Plasma Treatment’

Published

on

Gumaling ang dalawang South Koreans na tinamaan ng COVID-19 gamit ang ‘plasma treatment’ ayon sa Severance Hospital nitong Martes.

Lumabas ang balita may anim na araw matapos ang anunsyo ng Korea Centers for Disease Control and Prevention (KCDC) na sisimulan na nila ang paggamot sa mga coronavirus patients gamit ang blood plasma ng mga nauna nang gumaling sa sakit.

Ang dalawang naka-recover na pasyente ay isang 71-anyos na lalaki at 67-anyos na babae na kapwa mula sa kritikal na kondisyon.

Ayon sa ospital, unang ginamit sa paggamot sa lalaking pasyente ang anti-viral drugs pero nagkaroon ito ng pneumonia.

Tanging ang plasma treatment na lang ang paraan para ito’y magamot dahil wala pang ibang gamot o bakuna na naimbento laban sa sakit.

May kabuuang 500ml ng plasma ang kinuha mula sa gumaling na coronavirus patient na nasa edad 20s ang tinurok sa pasyente katuwang ang mga steroid treatment at makaraan ang dalawang araw ay naging mabuti na ang kanyang kalusugan.

Ang babaeng pasyente naman ay dinala ospital na may pneumonia at problema sa paghinga. Una siyang ginamitan ng anti-malaria at gamot na ginagamit sa mga AIDS patients.

Nakatanggap rin siya ng 500ml na plasma via injection sa loob ng 12 hours at naging maayos na ang kalusugan.

Sinabi ni Dr. Choi Joon-yong, doktor na nanggamot sa mga pasyente, na may mga side effects ang plasma treatment at ang bisa nito ay hindi pa napapatunayan pero maaari aniya itong maging opsyon sa mga pasyenteng nasa kritikal na kondisyon.

Kaugnay nito, gagawa na ng guidelines ang gobyerno sa plasma treatment ng mga coronavirus patients.