International News
2 NASAWI SA GUMUHONG GUSALI SA UGANDA
Dalawa katao ang naiulat na nasawi sa gumuhong ginagawang gusali sa Kampala bunsod ng malakas na ulan nitong Linggo batay sa Uganda Red Cross.
Makikita sa mga video na nakapost sa social media ang mga construction workers at mga dumaraan sa lugar na naghuhukay gamit ang kanilang mga kamay at mga bumbero na gumagamit ng mga cutting equipment para maabot ang mga natabunan sa gumuhong gusali.
Ayon sa Red Cross, dalawang bangkay ang kanilang nahukay sa gusali.
Ang nasabing gusali ay malapit sa Kisenyi Bus Terminal, isang key transit hub sa Ugandan capital.
Pinaniniwalaang ilang katao at riders na posibleng sumilong dahil sa ulan ang nalibing ng buhay sa gumuhong gusali.
“It is alleged there were boda boda [motorcycle taxi] riders and a few people— since it’s raining—who might have sought shelter [in] the building and people fear they could be buried under the building,” saad ng Uganda Red Cross official na si Irene Nakasiita.
Via Agence France-Presse