International News
2 patay, 3 sugatan sa bumagsak na eroplano sa airshow sa Hungary
Dalawa ang patay habang tatlo naman ang sugatan matapos bumagsak ang isang maliit na propeller-driven na eroplano sa isang airshow sa Central Hungary nitong Linggo.
Ayon sa ulat, ang piloto ng eroplano at isang pasahero ang namatay sa naturang insidente.
Samantala, lubhang nasugatan naman ang tatlo katao na sakay ng isang kotse na nagkataong malapit sa Börgönd air show isan Fejér county.
Sinasabing habang lumilipad ang eroplano, namataan ito na hindi na normal ang paggalaw hanggang tuluyan na itong sumiklab na naging mitsa ng aksidente.
“What happened today is a pain that is hard to put into words for our municipality, our entire city, and for me personally,” pahayag ni Szekesfehervar mayor András Cser-Palkovics.|via: Joecebell Dioso/Trainee