Connect with us

International News

2 PATAY, ILAN PA, SUGATAN SA PAGSABOG SA MADRID, ESPANYA

Published

on

Pagsabog sa Madrid
Larawan mula sa Reuters

Hindi bababa sa dalawang katao ang patay at may ilang pang mga nasugatan sa isang pagsabog na naganap sa Madrid, Espanya nitong Miyerkules, ayon sa punong-lungsod ng Madrid.

Ang pagsabog na naganap sa isang gusali sa Toledo Street ay nagdulot ng malaking pinsala, base sa ipinalabas na video tweet ng Madrid emergency information service na Emergencias Madrid. Ayon pa sa Emergencias Madrid, higit sa apat na palapag ang naapektuhan ng pagsabog at agad na pinalikas ng mga bumbero ang mga tao na nasa loob nito.

“Various people are being treated, (for injuries) of various severity,” pahayag ni Madrid Mayor José Luis Martínez Almeida sa mga mamamahayag.

Dagdag pa niya, may isang sugatan na dinala sa pagamutan.

Base sa ininsyal na imbestigasyon, gas leak ang sanhi ng pagsabog.

Pinag-iingat ni Martínez-Almeida ang mga mamamayan habang patuloy pa ring nangangalap ng dagdag na impormasyon ang mga otoridad hinggil sa insidente.

Walang naman umanong naiulat na nasugatan sa mga nakatira sa Los Nogales residence, ang nursing home na matatagpuan malapit sa pinangyarihan ng pagsabog. Agad silang inilikas ayon kay Antonio Berlanga, ang direktor ng nasabing establisimyento.

Continue Reading