Connect with us

International News

2 SUICIDE BOMBING SA AFGHANISTAN TINARGET ANG CAMPAIGN RALLY NG PRESIDENTE; 48 KATAO NASAWI

Published

on

Afghan security forces work at the site of a suicide attack near the U.S. Embassy in Kabul, Afghanistan, Tuesday, Sept. 17, 2019. (AP Photo/Ebrahim Noroozi)

Niyanig ng sunod-sunod na pagsabog ang iba’t-ibang bahagi ng Kabul, Afghanistan nitong Martes, 48 katao ang nasawi, dose-dosena naman ang sugatan.

Naganap ang unang pag-atake sa campaign rally ni President Ashraf Ghani, sa Northern City ng Charikar, Parwan Province.

Batay sa impormasyon, sinalpok ng suicide bomber ang kanyang motorsiklo na puno ng explosive device sa entrance kung saan ginanagap ang election rally ni Ghani.

Gayunpaman, naiulat naman naligtas at hindi nasugatan ang nasabing Afghan president.

Ayon sa spokesman ng Ministry of Interior, Nasrat Rahimi, nasa 26 katao ang patay kabilang ang 4 na sundalo.

Mahigit 40 naman ang sugatan sa pag-atake ng mga Taliban.

Samantala, sa isang hiwalay na insidente makalipas ang ilang oras, may isa pang pagsabog na nangyari malapit sa Green Zone ng Kabul, kung saan matatagpuan ang defense Ministry, US embassy at NATO headquarters.

Inako naman Taliban ang responsibilidad sa parehong pagsabog at sinabing target nila umano ang isang hukbo ng Afghan army base.

Ayon sa mga opisyal, sa ikalawang pag-sabog, 22 katao ang napatay at 38 ang sugatan.

Kinondena naman ni Ghani ang sunod-sunod na pag-aatake.

“Once again proven that they have no will and desire for peace and stability in Afghanistan, the Taliban’s “movements are not but deceit,” saad ng presidente .