Connect with us

International News

200 Filipino workers, nasibak sa Qatar Airways

Published

on

Photo| https://www.lucisphilippines.press/

Nakatanggap ng termination letter mula sa pamunuan ng Qatar Airways ang halos 200 manggagawang Pilipino ngayong Lunes.

Sinabi naman ni Philippine Labor Attache’ to Qatar David Dicang, na epektibo ang pagtanggal sa mga manggagawa kahapon, March 17.

Karamihan sa mga nawalan ng trabaho ay nakatalaga sa technical department gaya ng engineers, at maintenance staff na lubhang nabigla sa desisyon ng airline company.

Paliwanag ni Dicang, nakalagay sa liham na ang dahilan ng termination ay redundancy sa personnel.

Sa kabila nito, tiniyak ng kompanya na ibibigay nila ang mga benepisyo na dapat matanggap ng mga nasibak na manggagawa.

Ang embahada ng Pilipinas at Philippine Overseas Labor Office (POLO) ay nakikipag-ugnayan na sa Labor and Social Affairs of Qatar pati na sa Qatar Ministry of Administrative Development para tulungan ang mga manggagawa kasama na ang mga may kasalukuyang bank loans.

Sa ulat ng Qatar Ministry of Health, mayroong 439 kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa kanilang bansa kung saan apat sa mga pasyente ay gumaling na.

Ang Qatar ang may pinakamataas na COVID-19 cases sa Gulf Cooperation Council (GCC) member countries sa rehiyon.

Source: https://news.abs-cbn.com/overseas/03/17/20/some-200-qatar-airways-filipino-workers-terminated

https://news.abs-cbn.com/overseas/03/17/20/locsin-dfa-to-repatriate-200-filipinos-laid-off-by-qatar-airways