International News
2019 Nobel Peace Prize iginawad kay Ethiopian Prime Minister Abiy Ahmed
Tinanghal si Ethiopian Prime Minister Abiy Ahmed bilang Nobel Peace Prize winner dahil sa kanyang ambag para tapusin ang 20-taong giyera sa kanilang bansa laban sa Eritrea.
Ayon sa Norwegian Nobel Committee, nararapat si Abiy sa naturang gantimpala para sa kanyang pagsisikap na makamit ang kapayapaan at internasyonal na kooperasyon.
“Mr Abiy, 43, was honoured for his decisive initiative to resolve the border conflict with neighbouring Eritrea,” pahayag ng Norwegian Nobel Committee.
Mula pa noong 1998 at 2000 ang dalawang bansa ay nagkaroon na ng labanan sa kanilang border.
Magugunitang noong Hulyo 2018 lamang naibalik ang magandang relasyon ng Ethopia at Eritrea.
Mabibigyan si Ahmed ng premyong $900,000 at ito ay ipipresenta sa Oslo sa darating na Disyembre 10.
Pinangalanan si Ahmed bilang ika-100 Nobel Peace Prize winner sa Oslo na kung saan ipipresenta sa kanya sa parating na Disyembre 10.
Makakatanggap siya ng nine million Swedish crowns o £730,000; $900,000.