International News
226 patay sa pananasala ng bagyong Yagi sa Myanmar
Posible pa umanong tumaas ang death toll dahil marami pa ang nawawala at patuloy na pinaghahanap.
Pinakaapektado ang kabisera ng Myanmar na Napyidaw, lungsod ng Mandalay at bahagi ng Shan.
Batay sa Global New Light of Myanmar, binuksan ang 388 relief camps sa iba’t ibang rehiyon at may mga nagbigay ng tubig, pagkain at damit para sa mga bakwit.
Sa Mandalay region, lumubog sa baha ang 40,000 acres ng agricultural land at higit 26,700 na kabahayan ang sinira ng malakas na ulan at pagbaha.
Ayon pa sa United Nations Children’s Fund (UNICEF) maraming rehiyon ang mahirap puntahan dahil sa sira-sirang mga kalsada, telecom at walang elektrisidad.
Isa ang Bagyong Yagi sa pinakamalakas na bagyo na humagupit sa Asya ngayong taon, nasa halos 300 katao rin ang namatay dahil sa bagyo sa Vietnam kung saan it nag landfall.