Connect with us

International News

23 SEÑIOR CITIZENS SA NORWAY, NAMATAY ILANG ARAW MATAPOS MABAKUNAHAN NG #COVID19 VACCINE NG PFIZER

Published

on

covid vaccine Photograph: PTI

INIIMBESTIGAHAN na ang pagkamatay ng 23 senior citizens sa Norway, matapos mabakunahan ng Covid-19 vaccine ng Pfizer.

Batay sa Norwegian Medicines Agency, ang mga nasawi ay may mga sakit at hindi bababa sa 80 anyos ang edad. 

Nasa 29 pasyente ang mga nakaranas ng side effects, habang 13 katao naman ang fatal matapos maturukan ng bakuna. 

Samantala, hindi naman naalarma ang mga health authorities sa nangyaring insidente. 

“We are not alarmed by this. It is quite clear that these vaccines have very little risk, with a small exception for the frailest patients,” saad ni Steinar Madsen, medical director ng Norwegian Medicines Agency.

Dagdag pa ng health authorities, naniniwala silang posibleng side effects ng bakuna ang ikinamatay ng mga senior citizens na pasyente. 

“Common reactions to the vaccine, including fever and nausea, may have contributed to a fatal outcome in some frail patients,” pahayag ni Sigurd Hortemo, chief physician sa Norwegian Medicines Agency.

Sa ngayon, binago na ng Norwegian officials ang kanilang advisory kung sino ang dapat na mabakunahan. 

Batay sa official data, nasa 300,000 na ang nabakunahan ng Pfizer o Moderna vaccine sa Norway laban sa COVID-19.

Continue Reading