International News
251 DOKTOR SA BANGLADESH NAGPOSITIBO SA COVID-19
Umabot na sa mahigit 251 na health workers sa Bangdalesh ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa Bangladesh Doctors Foundation (BDF), ito ay dahil sa kakulangan ng personal protective equipment (PPE) ng mga doktor.
“PPE is our armour against a fatal virus. Without proper PPE, we are forced to fight a dangerous battle without any protection,” pahayag ng isang doktor sa Bangladesh.
Halos 200 mga doktor na ang nahawaan sa capital ng Dhaka.
Sa ngayon, mayroon ng mahigit tatlong libong kaso ng COVID-19 sa Bangladesh, na may 120 na ang namatay.
Source: www.aljazeera.com
Continue Reading