Connect with us

International News

3 BABAENG MAMAMAHAYAG, PATAY SA PAMAMARIL SA AFGHANISTAN

Published

on

Patay ang tatlong babaeng miyembro ng media sa nangyaring pamamaril sa siyudad ng Jalalabad, sa eastern Afghanistan.

Ayon sa director ng Enikass TV na si Zalmai Latifi, binaril ang mga biktima habang naglalakad pauwi mula sa pinagtatrabahuhang local radio at tv station na Enikass TV.

Ginamitan ng silencer ang pistol nga ginamit sa pagpatay sa mga biktimang pawang nasa edad 18-20 anyos.

Base sa Afghan officials, naaresto na ang itinuturong suspek na si Qari Baser na sinasabing miyembro ng grupong Taliban.

Hindi ito ang unang insidente ng pagpatay sa mga babaeng empleyado ng Enikass Radio and TV. Noong Disyembre, inako ng ISIS ang pagpatay sa isa pang babaeng empleyado na si Malala, Maiwand.

Ang Afghanistan ay isa sa mga ikinukunsiderang delikadong bansa para sa mga mamamahayag.

Dahil sa nangyaring pagpatay nitong Martes, umabot na sa 15 ang bilang ng mga mamamahayag na pinatay sa naturang bansa sa huling anim na buwan.