International News
30-TAONG GULANG NA NANAY SA TEXAS, ARESTADO MATAPOS MAGPANGGAP NA JUNIOR HIGH SCHOOL STUDENT
Arestado ang isang 30-taong gulang na ina matapos nitong magpanggap bilang isang estudyante.
Ginamit ni Casey Garcia ang identity nang kaniyang 13-taong gulang na anak, at pumasok sa pinapasukang paaralan nito. Ayon kay Garcia, madali siyang nakapasok sa paaralan gamit ang ID ng anak.
Malaya umanong nakakilos si Garcia, at nakisalamuha pa sa mga estudyante at guro, maging sa principal ng paaralan. Halos patapos na ang klase ng may isang gurong makapuna na hindi siya estudyante.
Ilang araw matapos ang insidente, inaresto si Garcia dahil sa salang criminal trespassing at tampering of government record. Pinalabas din siya kinalaunan matapos magpiyans ng $7,908.
Giit ni Garcia, ginawa niya umano ito bilang social experiment, upang patunayan na walang seguridad sa mga eskewlahan upang pangalagaan ang kanilang mga anak sa mga insidenteng gaya ng- mass shootings.
Aniya, “We need better security at our schools,” Garcia said. “This is what I tried to prove. I don’t mean to be curt, but I kind of feel like I proved it.”
Nagpalabas naman ng pahayag ang San Elizario Independent School District Superintendent na si Jeannie Meza-Chavez. Ayon sa kaniya, “While there was a breach in security, all of our students are safe. An individual associated as a parent with the school… we want to assure you that security measures are being reviewed and evaluated not only at the school where the incident occurred but all schools and facilities in the district.”