International News
31 PATAY, 100 SUGATAN SA MASS STAMPEDE SA IRAQ
Nasawi ang 31 katao at 100 naman ang sugatan sa naganap na stampede habang nagdiwang ang mga Shiite Muslims ng Shia holy day of Ashura sa Karbala, Iraq.
Batay sa spokesman ng Karbala province’s media office, nangyari ang stampede habang ginaganap ang isang ritwal na “Tuwairij run”, isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagtakbo patungo sa Imam Hussein Mosque.
Ayon sa ulat, natisod at natumba ang isang tao, na kung saan naging dahilan ng pagkatumba ng karamihan.
Ngunit sa pahayag naman ng Karbala security official, overcrowding umano ang dahilan ng nasabing insidente.
“People were pushing each other which resulted in the stampede and the death and injury of many pilgrims,” saad ni Health Ministry spokesman Saif Al Badr.
Bawat taon, daan-daang libong mga Shiite Muslim ang bumibiyahe sa Karbala para sa somber day ng Ashura, para sa paggunita sa pagpatay sa apo ni Propeta Muhammad na si Imam Hussein, noong 680 A.D.
Samantala, magugunita nitong 2004, mahigit 140 katao ang nasawi matapos ang sunud-sunod na pambobomba sa mga shrine sa Karbaal at Baghdad habang ginugunita ang Ashura.