Connect with us

International News

Buntis sa Kansas City, Missouri, pinagbabaril ng mga pulis

Published

on

Web Photo

Sugatan ang isang buntis matapos pagbabarilin ng mga pulis sa Kansas City, Missouri habang nagtatangka umanong tumakas kasama ang mga anak nito.

Nakilala ang buntis na si Leona Hale, 26-taong gulang. Kasama ni Hale ang 3 niyang anak na 1-taon, 10-taon, at 13-taong gulang. May kasama rin umano siyang isang lalaki na agad namang tumalilis ng pahintuin sila ng mga pulis.

Rumesponde umano ang mga pulis sa isang tawag hinggil sa reklamong car theft.

Nakunan naman ng video ng isang saksi na nakilalang si Shédanja ang pangyayari sa pagitan ni Hale at ng mga pulis.

Ayon pa sa saksi, nakataas na umano ang kamay ni Hale habang ipinapaliwanag sa mga pulis na hindi siya armado. Tumanggi rin umano siyang dumapa dahil buntis siya.

Dagdag pa ng saksi, sinabi rin ni Hale sa mga pulis na may baril sa kaniyang sasakyan na kinumpirma naman ng pulisya.

Sa kabila umano nito, pinaputukan pa rin umano ng mga pulis ang buntis. Narinig umano ni Shédanja ang limang putok ng baril hanggang matumba ang babae. Nasaksihang lahat ito ni Shédanja pati na rin ng mga anak ni Hale.

Masuwerte namang hindi napuruhan si Hale na ngayon ay nagpapagaling na sa ospital.

“We never want to be in these types of situations. Not the public, as a police department,” saad ni Kansas City Police Department’s interim police chief, Joseph Mabin.

Patuloy rin umano ang pag-iimbestiga ng mga pulis hinggil sa pangayayari.

Continue Reading