International News
39 BANGKAY NATAGPUAN SA CONTAINER TRUCK SA ENGLAND
NATAGPUAN ng mga ambulance workers ang nasa 39 bangkay sa loob ng isang container truck sa Southeastern England.
Ayon sa British police, nakita nitong Miyerkules ang tractor-trailer sa Waterglade Industrial Park sa Grays, Essex county.
Pinaniniwalaang galing umano ang naturang truck sa Bulgaria na may lulan na mga bangkay. Kinabibilangan ito ng 38 na adults at isang teenager.
Dagdag pa ng otoridad, dumating ang trailer sa pamamagitan ng ferry mula sa Zeebrugge, Belgium, papunta sa Purfleet sa River Thames.
Pahayag naman ni Bulgarian Prime Minister Boyko Borissov sa telebisyon, hindi na aniya nakikita ang nasabing truck sa kanilang bansa simula pa noong 2017.
“The truck was registered in 2017, in Bulgaria.”
“It then leaves Bulgaria, and never re-enters Bulgaria again, there is no way that we can be connected, except for the registration plate of the truck. Despite this, we are working very well with the British authorities,” wika ng Bulgarian prime minister.
Kinilala ng local councilor ang driver ng truck na si Morris Robinson, 25 anyos na mula sa Northern Ireland.
Gayunman, inaresto ng kapulisan ang driver sa suspetsa na may kinalaman ito sa krimen.
“We have arrested the lorry driver in connection with the incident who remains in police custody as our enquiries continue,”
“This is a tragic incident where a large number of people have lost their lives. Our enquiries are ongoing to establish what has happened,” pahayag ni Essex Chief Superintendent Andrew Mariner.
Nagpadala na ng mga opisyal ang National Crime Agency upang tulungan at sisiyasatin ang posibleng pagkakasangkot ng organized crime groups sa insidente.
Sinabi ni Essex Deputy Chief Constable Pippa Mills, hindi pa nakilala ng pulisya ang mga patay o kung saan ito nanggaling. Aminado din si Mills na magiging mahaba ang proseso ng pagkilala sa mga biktima.
Nakiramay naman si Prime Minister Boris Johnson sa pamilya ng mga biktimaa.
“Unimaginable tragedy and truly heartbreaking, I know that the thoughts and prayers of all members will be with those who lost their lives and their loved ones.
“I’m receiving regular updates. The Home Office will work closely with Essex Police as we establish exactly what has happened,” saad ni PM Boris Johnson.