Connect with us

International News

40 indibidwal patay sa pag-atake sa Mali village

Published

on

Nag-iwan ng 40 patay na indibidwal ang pag-atake ng mga ‘unidentified men’ sa Mali batay sa lokal na pamahalaan nitong Martes.

Naganap ang pag-atake sa Djiguibombo sa Mopti region, isa sa mga lugar sa Mali kung saan ang jihadist group na naka-link sa al Qaeda at Islamic State ay naging aktibo sa loob ng mahigit isang dekada.

Sinabi ni Bankass Mayor Moulaye Guindo na, “It was a very serious attack, armed men surrounded the village and shot at people.”

Nangyari ang pag-atake habang may ikinakasal sa lugar at tumagal ito ng tatlong oras.

Nabatid na wala pang grupo ang umaako sa naganap na pag-atake.

Continue Reading