Connect with us

International News

5 PATAY SA HAGUPIT NG HURRICANE DORIAN SA ABACO ISLANDS

Published

on

Debris from Hurricane Dorian is seen in Elbow Cay, which is just off Abaco in the Bahamas, Sept. 2, 2019. (Josh Terrells)

Lima na ang naitalang patay sa paghagupit ng hurricane Dorian sa Abaca Islands.

Kinumpirma ito ni Bahamian Prime Minister Hurbert Minnis.

The “destructive” Dorian is “unprecedented and extensive,” wika ng Prime Minister nitong Lunes.

“We are in the midst of a historic tragedy in parts of our northern Bahamas,” dagdag pa ni Minnis.

Batay sa National Hurricane Center nag landfall ang hurricane Dorian sa category 5 nitong Linggo ng gabi.

Tinuturing ito na pinakamalakas na bagyo na tumama sa Bahamas.

Winasak din ni Dorian ang mga kabahayan at gusali sa nasabing lugar.

“There’s houses that are torn apart. There’s tree limbs in the road. There’s no green shrubbery left. It’s just shredded,” Pahayag ni Bruce Sawyer, residente ng Abaco Islands.

Ang ilang lugar din ay lumubog sa baha, at nagmistulang lawa ang mga ito.

Ayon sa ulat, sinabi ng isang ginang, nalunod ang kanyang 8 taong gulang na apo dahil sa pagtaas ng tubig.

Sa ngayon, nasa category 4 si Dorian, na patuloy na binabayo ang buong isla.

Bagamat mabagal ang paggalaw, nagbigay babala pa rin ang mga forecaster sa matinding pinsala habang tinatahak nito ang Florida.


Nagbabala rin si Florida Gov. Ron DeSantis kaugnay sa naturang bagyo.

“Our east coast is certainly within the cone still and people need to remain vigilant. Get out now while you have time.” Ani ng gobernador.

Nag-labas din ng mandatory at voluntary evacuation orders ang gobernador sa coastal communities, mula Palm Beach County hanggang Nassau County na malapit sa Georgia border.

Gayunpaman, binalaan din ang mga residente ng Georgia at South Carolina na maghanda sa nasabing bagyo.

Maging si North Carolina Gov. Roy Cooper ay nag-labas din ng evacuation order sa state’s coastal residents.

“We have to respect the threat that Dorian brings, Time is running out to get ready,” saad ni Cooper.