International News
5 patay sa kilos-protesta sa Bangladesh
Nasa 5 katao ang binawian ng buhay at maraming iba pa ang sugatan dahil sa pagprotesta ng mga kabataan na kontra sa quota system sa mga government jobs sa Bangladesh.
Libu-libong estudyante ang sumali sa protesta na nagresulta ng higit 100 sugatan sa unang araw ng rally nitong Lunes.
Nag-ugat ang pagprotesta sa public sector job quota at 30% na quota sa mga miyembro ng pamilya ng mga freedom fighters simula 1971 War of Independence sa kabila ng mataas na unemployment.
Sa Rangpur sa Bangladesh, naging marahas umano ang mga protesters at kinailangan silang gamitan ng rubber bullets at teargas ng mga otoridad.
Napag-alaman na may nasa 32 milyon na Bangladeshis ang walang trabaho at hindi nag-aaral.
Sa nasabing bansa, 56% ng trabaho sa gobyerno ay nakareserba sa mga quota. Sampung porsyento sa mga kababaihan, 10% sa mga underdeveloped na distrito, 5% sa indigenous communities at 1% sa mga PWD.