Connect with us

International News

5 PINOY SUGATAN, 3 NAWAWALA SA PAGGUHO NG TULAY SA TAIWAN

Published

on

AP Photo

Nagtamo ng minor injuries ang limang pinoy habang ang tatlo ay nananatiling nawawala nang bumagsak ang isang tulay sa silangang Taiwan nitong Martes, ayon sa opisyal ng Manila Economic and Cultural Office (MECO).

Batay sa report, gumuho ang tulay sa Nanfangao nang tumawid ang malaking tangke ng langis bandang 9:30 ng umaga.

Ayon kay National Fire Agency spokesperson Su Hong-wei, nang bumagsak umano ang oil tanker bumagsak rin ito sa tatlong bangka

Napag-alaman ding ang naturang lugar ay isang maliit lamang ngunit masikip na fishing village.

Batay sa Department of Labor and Employment (DOLE), kabilang sa mga biktima sa aksidente ay sina Julio Gimawa, Jasong Villaruel, Allan Alcansano, John Vicente Royo at June Flores.

Sinabi naman ni Director Gerry de Belen ng Administration and Information Office, patuloy aniya ang search and rescue operations para sa tatlo at sa iba pang mga biktima ng insidente.

Ayon din sa DOLE, personal na nag-abot ang mga opisyal ng Philippine Overseas Labor Office ng tulong sa mga overseas Filipino worker.