International News
5 SA 8 MGA PINOY NA NADAMAY SA ISANG GAS EXPLOSION SA ABU DHABI, NAKALABAS NA SA OSPITAL
Nakalabas na sa ospital ang lima sa walong Pinoy na nasugatan sa nangyaring gas explosion sa isang restaurant sa Abu Dhabi, UAE.
Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs matapos matanggap ang report ng Philippine Embassy sa Abu Dhabi.
Ayon sa report na patuloy pa na nagpapagaling ang tatlong iba pa sa ospital.
Ipinasiguro naman ng DFA na patuloy nilang minomonitor ang sitwasyon ng masabing mga Pinoy doon.
Nakahanda naman ang DFA, sa pamamagitan ng embahada na magpaabot ng anumang kinakailangang tulong ng mga ito.
Continue Reading