Connect with us

International News

55 NA MGA ELEPANTE PATAY SA TAGTUYOT SA ZIMBABWE

Published

on

Photo: phenomenal.com.ng

Hindi bababa sa 55 na mga elepante ang namatay sa Hwange National Park ng Zimbabwe sa nakalipas na dalawang buwan sa gitna ng matinding tagtuyot.

“The situation is dire, the elephants are dying from starvation and this is a big problem,” ito ang pahayag ng spokesman ng Zimbabwe’s Parks and Wild Life Management Authority, na si Tinashe Farawo.

Ayon pa kay Farawo, namatay umano ang ilan sa mga hayop habang naghahanap ang mga ito ng tubig sa Hwange National Park.

Samantala ang iba naman ay napatay ng mga residente matapos magala-gala ang mga ito sa paligid habang naghahanap ng makakain.

Pahayag pa ng tagapagsalita, isa sa pinakamalaki nilang problema ngayon ay ang labis na kagutuman ng mga elepante.

Dahil sa nararanasang malawakang tag-tuyot ay nababawasan rin ang mga pananim sa lugar na kung saan nagsisilbing pagkain sana ang mga ito sa mga hayop.

“The elephants have caused “massive destruction” of vegetation in Hwange, The park can handle about 15,000 elephants but currently has more than 50,000.”

“Zimparks – which does not get government funding – has been trying to drill wells but lacks the money to continue,” wika ni Farawo.

Ayon naman kay Lenin Chisaira, director ng Advocates4Earth, ang mining operations sa Hwange ang dahilan ng kontaminasyon sa mga water sources sa lugar.

“Mining operations in Hwange have contaminated water sources and affected grazing lands, leaving the animals with no choice but to fend for themselves,” saaad ni Chisaira.

Magugunitang noong Agosto, sinabi ng isang ulat ng World Food Program na dalawang milyong katao ang nanganganib sa gutom sa naturang bansa.

Continue Reading