Connect with us

International News

5K pamilya sa Afganistan, apektado sa hidwaan ng gobyerno at Taliban

Published

on

Photo Source: Unsplash

Pumalo sa halos limang libong pamilya ang lumikas sa iba’t-ibang probinsya ng Afghanistan para lumayo sa matinding bakbakan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at Taliban sa Kunduz City ayon sa mga lokal na opisyal.

“About 5,000 families have been displaced by the fighting,” pahayag ni Ghulam Sakhi Rasuli, direktor ng Kunduz Refugees at Repatriation Department sa AFP news agency.

Dalawang libo sa mga ito ay lumipad sa Kabul at iba pang mga karatig-probinsya.

Ayon naman sa isang journalist na si Rahmatullah Hamnawa na naka base sa Kunduz, napilitan sila na lumikas kasama ang kanyang pamilya sa gitna ng sigalot.

Walang tigil rin daw ang putukan ng baril na halos umabot na ng isang linggo, “We hear gunfire and fighting all night.”

Matatandaang sinimulang kontrolin ng mga rebelde ang ilang distrito kasunod ng pag-atras ng US-led NATO forces sa kanilang bansa.