Connect with us

International News

6 katao natagpuang patay sa isang five-star hotel sa Thailand

Published

on

Wala ng buhay nang matagpuan ang anim katao kabilang ang dalawang Vietnamese Americans sa loob ng isang five-star hotel sa Bangkok, Thailand.

Natagpuan ng hotel staff ang bangkay ng mga ito sa kwarto sa fifth floor matapos na lagpas 24 oras na hindi nakapag-check out.

Batay sa pulisya, walang senyales na ninakawan ang mga biktima at hindi rin nakitaan ang katawan nila ng anumang tanda ng physical violence o paghihirap.

Tinitingnan ng pulisya ang posibilidad na nilason ang mga ito dahil sa mga bakas ng white powder na nakita sa kwarto kasama ng hindi pa nagagalaw na pagkain na inorder ng mga ito.

Pinaghahanap din ng mga otoridad ang isang kasamahan ng mga ito na nag-book sa hotel at itinuturing na suspek.

Apat sa mga nasawi ay Vietnamese nationals at sinasabing sinubukan pa ng isa sa kanila na abutin ang pinto bago natumba. with reports from CNN