Connect with us

International News

6 na Pinoy inararo ng kotse sa Singapore, 2 patay, 2 kritikal

Published

on

Photo from the web.

Patay ang dalawang pinoy habang nasa kritikal na kondisyon naman ang dalawa sa apat na mga sugatan sa isang car accident sa Singapore, Linggo ng hapon (December 29).

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na Pinoy ang anim na nadamay sa aksidenteng naganap sa isang sikat na shopping center sa Singapore na pinagtitipunan ng mga overseas Filipino workers (OFW’s) sa kanilang Sunday off.

Ayon kay Minister and Consul General Adrian Candolada ng Philippine Embassy sa Singapore, nananatiling kritikal ang dalawang biktima at kasalukuyang ginagamot sa ospital habang ang 2 pa ay nasa maayos na kalagayan na.

Pahayag ng mga testigo, bumangga ang kotse sa isang metal railing bago bumagsak sa kalsada at araruhin ang anim na (OFWs).

Bago pa dalhin sa Tan Tock Seng Hospital  ay nawalan na ng malay ang dalawang Pinay edad 29 at 35, at tuluyang binawian ng buhay.

Nasa edad 30 hanggang 43 naman ang apat pang Pinoy na sugatan na hanggang ngayon ay patuloy na gnagamot sa ospital.

Sasagutin ng Singapore government ang repatriation ng labi ng mga biktima at magbibigay ng suporta ang gobyerno ng Pilipinas para sa mga pamilya ng biktima.

Samantala, naaresto ng mga otoridad ang 64-anyos na driver at patuloy pa ang kanilang isinasagawang imbestigasyon.