Connect with us

International News

6 patay dahil sa buhawi sa Mississippi, 300 bahay nawasak sa Louisiana

Published

on

Anim ang naitalang patay sa pananalasa ng buhawi sa Mississippi sa mismong Easter Sunday batay sa emergency officials.

Samantala, daan-daang mga kabahayan din ang nawasak ng tornado sa Monroe, Louisiana.

Dalawa sa mga nasawi ay mula sa Lawrence County, isa sa Walthall County at tatlo sa Jefferson Davis County ayon kay Mississippi State Emergency Management Agency director Greg Michel.

Ayon naman kay mayor Jamie Mayo ng Monroe, 300 bahay ang sinira ng buhawi sa kanilang lugar.

“By the grace of God, early reports show only a few minor injuries. Pray for our city! Many neighbors & friends suffered catastrophic damage. We are hurting; but not broken. Times like this remind us WE ARE STRONGER TOGETHER! Together we we will rebuild,” saad pa ni Mayo sa kanyang twitter post.

Pansamantala munang pinatuloy ang mga apektadong pamilya sa isang hotel.

Nagdeklara na rin si Mississippi Gov. Tate Reeves ng state of emergency sa lugar.