Connect with us

International News

7 patay sa pananalasa ng Hurricane Beryl sa Caribbean

Published

on

Nasawi ang pitong indibidwal dahil sa pananalasa ng bagyong Beryl sa southeast Caribbean.

Nalubog sa tubig baha ang mga bahay at sasakyan at mga pasyalan.

Sinabi ni Michelle Forbes, director ng National Emergency Management Organization na nasa 95% ng mga pamamahay sa Mayreau at Union Island ang sinira ng Hurricane Beryl.

Tatlong katao ang naitalang patay sa Grenada, Carriacou at St. Vincent and the Grenadines ayon sa mga opisyal habang limang katao naman ang patuloy na nawawala.

Nasa 25,000 katao ang apektado ng bagyo.

Ang pinakahuling malakas na bagyo na humagupit sa southeast Caribbean ay ang Hurricane Ivan na kumitil ng dose-dosenang indibidwal sa Grenada 20 taon na ang nakalipas.

Continue Reading