Connect with us

International News

70 indibidwal patay sa flash flood sa Turkey, 47 nawawala

Published

on

Photo| Unsplash (This photo is for illustration purposes only)

Patay ang 70 indibidwal habang 47 iba pa ang patuloy na pinaghahanap ng mga rescuers bunsod ng flash floods sa bansang Turkey.

Ayon sa Disaster and Emergency Management Directorate (AFAD), umabot sa 60 katao ang namatay sa baha sa probinsya ng Kastamonu, 9 naman ang patay sa Sinop at isa sa Bartin.

samantala, 47 iba pa ang naiulat na nawawala sa Kastamonu at Sinop.

Umaakyat ang bilang ng mga nasawi dahil sa pagsasagawa ng rescue and recovery efforts sa mga debris na iniwan ng humupa ang baha sa lugar.

Batay sa disaster and emergency services, mahigit 40 na mga kabahayan ang wala pang suplay ng kuryente at tubig.

Nagtayo sila ng pansamantalang cellphone receiver at transmitter para makatulong sa linya ng komunikasyon.

Mahigit 2,000 katao rin ang nag evacuate sa kani-kanilang tahanan sa tulong ng mga helicopters at bangka.