International News
74-anyos na Pinay, patay nang itulak ng palaboy sa train station sa San Francisco
Binawian ng buhay ang isang 74-anyos na Filipina sa California matapos itulak ng isang palaboy habang naghihintay ng tren sa BART Powell Station sa San Francisco.
Dinala ang biktima sa San Francisco General Hospital pero kalaunan ay binawian ng buhay dahil sa tinamong pinsala sa ulo.
Batay sa ulat, tinulak ng suspek ang biktima habang papalapit na ang tren dahilan kaya tumama ang ulo nito sa umaandar na tren bago ito nahulog sa platform.
Hindi na nagbigay ng pahayag ang pamilya ng biktima ukol sa pagkamatay nito.
Hawak naman ngayon ng mga kapulisan ang suspek na agad naaresto at kakasuhan ng murder at elder abuse.
Continue Reading