Connect with us

International News

89 migrants patay sa paglubog ng bangka sa West Africa

Published

on

NOTE: This is not the actual photo.

Lumubog ang isang migrant boat na may sakay na 170 katao kabilang ang mga bata at sa Mauritania.

Nasa 89 katawan ang narekober ng mga coast guard nitong Huwebes mula sa lumubog na bangka na papunta sana ng Europa.

Nasa 70 katao pa ang nawawala at siyam kasama ang isang limang taong gulang na bata naman ang nakaligtas.

Sa unang limang buwan ng 2024, nasa 5000 katao na ang namatay sa dagat habang sinusubukang makatawid sa Canary Islands batay sa migrants group na Walking Borders nitong June.

Tinatawag na ‘deadliest’ ang Atlantic migration route mula sa West Africa papunta sa Canary Islands na dinadaanan ng mga African migrants para makapunta sa Spain.