International News
9 NA PINOY SEAMEN, DINUKOT NG MGA PIRATA SA WEST AFRICA
DINUKOT ng mga hinihinalang pirata ang siyam na Pilipinong tripulante ng isang Norwegian-flagged vessel sa Benin, lugar sa kanluran ng Africa.
Ayon sa port authorities, sinabing sinalakay ng mga pirata ang cargo vessel na MV Bonita ng J.J. Ugland shipping company noong umaga ng Sabado habang naghihintay ito na dumaong sa harbor port ng Cotonou.
Batay sa ulat, nangyari ang pag-atake sa mga crew at kapitan, siyam na milya ang layo mula sa port.
Nag bigay naman ng pahayag tungkol sa nangyaring insidente ang may-ari ng barko.
“MV Bonita was boarded by pirates early Saturday morning off Cotonou/Benin while she was at anchor.”
“9 crew members were taken off the vessel while she was waiting for berth to discharge inbound cargo, gypsum. Remaining crew notified local authorities and Bonita arrived alongside in Cotonou later the same day,” dagdag pa nito.
“The Ugland Emergency Response Team are handling this situation as per contingency plans, and they are in contact with relevant authorities …The families of the crew members have been contacted and will be kept informed by Ugland,” pahayag ng kumpanya.
Samantala, kinumpirma naman ng company spokesman na ang siyam na dinukot na mga seafarers ay mga Pilipino.
Base sa ulat ng nonprofit organization na International Maritime Bureau (IMB) kinilala ang Gulf of Guinea bilang “world piracy hotspot,” kinokonsidera umano ang naturang lugar na pinaka-mapanganib na maritime regions sa buong mundo.
Ayon sa tala ng organisasyon, tinatayang 73% ng kidnappings ang nagaganap sa karagatan at 92% naman ng hostage-takings ay nangyayari sa Gulf of Guinea simula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.