Connect with us

International News

91 ‘recovered’ COVID-19 patients sa South Korea, muling nagpositibo

Published

on

Image|Airport Technology

Muling nagpositibo ang 91 pasyente sa COVID-19 matapos maiulat na gumaling ayon sa South Korean health authorities.

Sinabi ni Jeong Eun-kyeong, director ng Korea Centers for Disease Control and Prevention, na maaaring na ‘reactivate’ ang virus at hindi na ‘re-infect’ ang mga pasyente.

Dagdag pa ng South Korean officials, hindi pa malinaw kung ano ang nasa likod ng pangyayari ngunit patuloy na ang epidemiological investigations.

Tinitngnan ng mga eksperto ang posibilidad ng maling resulta ng pagsusuri.

“There are different interpretations and many variables,” ani Jung Ki-suck, professor ng pulmonary medicine sa Hallym University Sacred Heart Hospital.

Nagsasagawa na rin ang World Health Organization (WHO) ng imbestigasyon kaugnay nito.

Tumaas sa 91 ang bilang ng mga pasyenteng muling nagpositibo sa virus mula sa 51 na naitala nitong Lunes.

Ilan sa mga pasyenteng ito ay walang sintomas o asymptomatic habang ang iba naman ay may lagnat at respiratory issues.