Connect with us

International News

Aabot na sa 500 Pilipino ang na-repatriate sa gitna ng patuloy na hidwaan ng Ukraine at Russia

Published

on

Larawan mula sa newspatrol.com.ph

Halos 500 Pilipino na umano ang napauwi sa bansa dulot ng patuloy na digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

“Patuloy ang effort ng repatriation dito. Sa huli kong pagtingin sa mga talaan mag-halos maglilimang daan na ang napauwi mula sa Ukraine,” ani OWWA Administrator Hans Leo Cacdac sa isang panayam.

Dagdag pa ni Cacdac, karamihan sa mga na-repatriate na Pinoy ay mga seafarer na na-stranded sa gitna ng mga bakbakan.

Sinabi pa ni Cacdac na nakapag-repatriate na ng 300 seafarers ang mga manning agencies at naitala na nila ang kalagayan ng lahat ng mga Pilipino sa Ukraine.

Nagpasya umano ang ilang Pinoy na manatili sa Ukraine dahil nandun ang kanilang mga asawa at pamilya.

Continue Reading