International News
Airbnb, tigil operasyon na sa China


Balak na umanong itigil ng Airbnb ang operasyon nito si China dahil umano sa patuloy na lockdowns doon.
Sa nakalipas na mga taon, halos 1% lang ng kabuuang kita ng Airbnb ang naiaambag ng mga patuluyan nito sa China.
Lalo pa itong naramdaman noong 2020 dahil sa mga paghihigpit sa China bunsod ng lockdowns, na nagpadalang pa lalo ng pagdating ng mga turista.
Dahil dito, minabuti ng kumpaniya na itigil na lamang ang operasyon nito sa China, at sa halip ay paigtingin na lamang ang serbisyo nito para sa mga Tsinong nais bumisita sa iba’t-ibang bansa.
Continue Reading