International News
AMAZON RAINFOREST FIRES: RECORD BREAKING NGAYONG 2019 – SPACE AGENCY
Tumaas ng 84 percent ang bilang ng sunog sa Amazon Rainforest sa Brazil ngayong 2019 kumpara noong 2018 batay sa ulat ng National Institute for Space and Research.
Sa datos ng INPE umabot na sa 72,000 na mga puno ang naabo sa Amazon simula noong Enero.
Ayon sa INPE (Instituto Nacional de Pesquisas Espaciais) tatlong linggo nang nasusunog ang kagubatan sa São Paulo, Brazil.
Karamihan sa mga lungsod sa nasyon ay tinatakpan ng maiitim at makakapal na usok.
Ang Amazon ay kinikilala bilang pinakamalaking rainforest sa mundo. Tinatawag rin itong “Lungs of the Earth” sapagkat higit sa 20% na oxygen ang inaambag nito sa atmosphere.
Ito rin ay itinuturing na panglaban sa global warming dahil sa kakayahan nitong sumipsip ng carbon mula sa hangin.
Ang Amazonia ay tahanan din ng higit tatlong milyong species tulad ng flora at fauna at maging ng isang milyong indigenous people.
Ano ang naging sanhi ng sunog?
Kadalasang nagaganap ang mga wildfires sa dry season sa Brazil ngunit ang sunog ay sadyang nagsimula umano dahil sa mga illegally deforest land para sa cattle ranching.
Saad ni INPE research Alberto Setze “The dry season creates the favourable conditions for the use and spread of fire, but starting a fire is the work of humans, either deliberately or by accident.”
Human activities naman katulad ng farming, mining and drilling ang tinuturo ng mga scientists na nagpapalala sa sitwasyon.
Bakit binatikos ang pangulo?
Ang pangulo ng Brazil na si Jair Bolsonaro ay matagal nang inakusahan ng pagpapabaya sa global climate change fight at sa mga endangered na rainforest.
Ayon sa ilang scientists, mula nang maupo sa pwesto si Bolsonaro bumilis ang pagkalbo sa rainforest.
Pahayag ni Carlos Rittl ng Observatorio do Clima (Climate Observatory) sinisi ng mga environmentalist at mananaliksik ang pro-business leadership ni Bolsonaro sa paghimok ng mga magsasaka na magputol sa mas maraming lupain ng Amazon para sa ranching.
Sinibak din ng presidente ang direktor ng space agency dahil sa deforestation data na inilabas nito.
Ngunit aniya, hindi tama ang mga figure sa research na nagpapakita ng spike sa deforestation.
Karamihan naman sa mga netizens lalo na sa twitter ay nag tweet para batikusin ang environmental policies ng Brazil President gamit ang #PrayforAmazonia.
Samantala, maraming mamamayan sa iba’t-ibang mundo ang nababahala sa malawakang sunog.